Tuesday, July 29, 2008

nagbibinata

Maaga akong nakauwi ngayon! Siguro mga 2 pm nakauwi na ako… :))

Pagdating ko sa bahay, naghanap na ako ng pangtanghalian kasi hindi ako nakakain nang matino kanina. Nakahanap ako ng SPAM at MUSHROOM SOUP… haha. Dahil kaunti lang ang stock namin ng ganoong canned goods, tumawag muna ako kay Mommy para i-confirm kung pwede ko na bang buksan… :)

Mommy: hello?
Nikki: hello mommy…
Mommy: o bakit?
Nikki: mommy, pwede ko na bang buksan ung spam at campbell’s? hindi kasi ako nabusog sa kinain ko kanina…
Mommy: huh? Ganoon. O sige paluto mo na lang kina ate. Wait, sino ba to?!? Marvin?
Nikki: OUCH! Kaboses ko ba si Marvin?!?
Mommy: ay Nikki, ikaw pala iyan! Haha! Para kang si Marvin… hahaha…

Ang sakit noh… i-compare daw ba ako sa kapatid ko na super baba ng boses! Haha… grabe, sobrang paos talaga ako ngayon… kanina magkausap kami ni Pia, lagi akong pumipiyok.. ginagaya pa nga niya ako e.. (hai nako pia!) tapos, tawa siya nang tawa… (nakakahingal pala makipag-usap kapag wala kang boses...)

Well, alam ko namang kasalanan ko kasi kumain ako ng ice cream kagabi e may ubo ako noon… pero limang subo lang naman iyon ah..

Hai… sana bumalik na ung dati kong boses… :(

Haha.. oo nga pala, ito iyong first super informal and mostly tagalog post ko.. haha.. wala lang… sharing… :))

No comments: